Monday, March 25, 2013

You don't do that to me!

Dahil sa kung ano anong post ang nakikita ko sa facebook na sa huli e nakalagay ang phrase na "YOU DON'T DO THAT TO ME!", nainspire akong magsulat ng maikling reminder para sa ating lahat. :)

Kadalasan sa atin, naaalala naten si Lord kapag may problema o pangangailangan tayo. Normal lang. Kaya lang ang masaklap dito, nakakaalala LANG tayo kapag MAY KAILANGAN NA tayo.

Ngayong finals ng mga estudyante, sigurado ako, maraming nakaalala kay Lord God, Papa Jesus, Father God, Father in Heaven, o sa Ama nating nasa Langit. Mapa-kung ano pa man ang tawag natin sa Kanya, siguradong naalala Siya ng karamihan sa mga estudyante, lalo na nung FINAL EXAMS, PASAHAN NG REQUIREMENTS, DEADLINE OF PROJECTS, etc. Para sa mga nagtatrabaho o naghahanap ng trabaho, magaling tayo magpray kapag nandyan na ang JOB OFFER, PERFORMANCE APPRAISAL, o di kaya e MATATANGGAL NA SA TRABAHO. Madalas pa ugali natin, MABAIT TAYO MAG PRAY PAG MAY KAILANGAN, pero pag everything's fine, @#$%^&*! dito, @#$%^&*! doon, at kung ano ano pang gawain na pwede na natin i-censored dahil sobrang Rated PG.

Nakakalungkot. Sana mabago natin ang ganitong ugali natin. OO, MAHAL TAYO NG DIYOS. At sinasabi natin na MAHAL NATIN ANG DIYOS, pero, totoo ba, o hanggang salita lang tayo? Naaalala ba natin Siya kapag may achievements, blessings, o kahit anong magandang nangyayari sa buhay natin? Napapasabi pa ba tayo ng "Thank you po, Lord"? O baka naman ang nasasabi nalang natin eh, "PANGINOON, PENGE NOON." Ang saklap lang talaga. :(

At syempre, ngayong palapit na ang HOLY WEEK, sigurado ALALANG ALALA naten si Lord. Tama na ang papala-palaspas lang. Nagawa na ni Jesus yun bago siya ipako sa krus. Mabuti pa e alalahanin natin yung ginawa Niya na yun. Sana lang, wag lang naten Siya basta maalala. Let's spend time para makilala pa natin Siya lalo, magpasalamat sa lahat ng ginagawa Niya sa'tin, at syempre humingi ng tawad sa mga pagkukulang natin sa Kanya.

Isama na rin natin yung MAGBAGO NA TAYO. Kasi kung hindi pa ngayon, kelan pa, malay naten wala ng bukas. At kung sakaling mangyari man yon at PALOKO LOKO PA TAYO, baka eto ang marinig natin kay Lord:

"Kung mahal mo talaga ako, YOU DON'T DO THAT TO ME!"


Magandang gabi sa ating lahat. :)






4 comments: