Monday, April 30, 2012

I'm back! :D God answered everything! :)

It's nice to be back. haha. :))

Ang tagal kong hindi nakapag-blog. Feb. 14 pa pala yung last. Higit 2 months pala ako nawala. Actually namiss ko to. Ang dami ko gusto idaldal, ishare, itestify. :)

Sa mga nakaraang weeks na nawala ako, nagfocus ako sa studies. Grabe lang si God. Salamat ng marami sa kanya for the past 2 months, talagang hindi niya ako pinabayaan at may times pa na naramdaman ko na naman yung overwhelming works niya sa mga endeavors ko. Grabe. God is so amazing.

May isang post ako dito sa blog na entitled "Endure". Nakasulat dun yung mga dapat kong iaccomplish this year, simula sa pagpasa ng subjects hanggang sa pagiging licensed engineer. Gusto ko magupdate, kasi nirereflect nito yung glory ni God sa buhay ko. :) Eto yung summary ng ginawa ni God saken for the past 2 months.

1. Top 6 sa Electronics Technician Board Exam last April 12, 2012
2. Natapos ang prototype/thesis namen this term
3. Ipasa ang subject namen na ESPLECE
4. Makagraduate this May 19, 2012

ECT board exam. Nakakakaba. Dito ko nalang ulit naranasan ng kabahan ng bongga. Haha. Sa totoo lang, nahirapan akong magprepare para sa board exam na to dahil kasabay ng pagrereview ko eh nagprapractice naman kaming mga scholars ng sayaw, kanta, at kung ano ano pa, para sa presentation namen sa minamahal nameng mga benefactors, ang Smith family. At dito ko sobrang napatunayan ang faithfulness at favor ni God saken. Although medyo kapos sa aral, tinulungan niya ko malagpasan ang board exam na ito, at with place pa sa top. Siya lang talaga ang may gawa. Hindi ako. Hindi yung pagaaral ko. Talagang blessing niya lang saken ito, at sa kanya lahat ng glory at honor sa pagiging licensed Electronics Technician ko. :)

Thesis madness. Eto naman yung pakiramdam ng isang studyante na nakaenroll sa project study na subject. Naranasan ko kung gano mapuyat, gumastos, dumiskarte, at lalong magtiwala kay God dahil sa subject na to. Salamat din sa groupmates ko na hindi sumuko na matapos namen ang thesis namen. Isa pa to e. Mahimalang subject. Kung hindi dahil sa pagkakawatak watak ng grupo na hindi ko inexpect, hindi pa siguro ako gagraduate this May. Syempre, si God na naman may pakana nun. Iba tlga pag si Lord ang gumalaw, nganga ka nalang sa pagkamangha.

ESPLECE. Kinakatakutan. Mahirap. Sobra. As of now, may 2 pang exam na itetake ko para makalampas sa subject na to. E dun sa dalawang nasa taas na testimony ko, siguro naman may napatunayan na talaga si God saken. Kaya walang duda na, PAPASA ako! Tiwala lang!

at lastly, GRADUATION. Ang pinakahihintay kong mangyari sa ngayon. May 19. Toga. Diploma. Etong mga to ang kukumpleto sa pagiging ex-studyante ko. Alam ko ibibigay na ni Lord to, hintay lang. Excited na ko. At walang hanggang pasasalamat na naman sa nagiisang Superhero ko. Salamat ng maraming marami Lord. The Best Ka talaga. :)

Hanggang dito na muna, diary ko. :))

"For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."


Jeremiah 29:11