Monday, February 25, 2013

The Right One :">

Ako'y nagbabalik! :D Madaming kwento, madaming natutunan, madaming gustong ishare.
At dahil February ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang isang preaching na aking nabuo, to God be all the glory. :D

Marami sa atin naghahanap, naghihintay, nangangarap, inaasam-asam namakilala ang taong nakatadhana na kanilang makakasama sa buhay. Yun bang makakasama nila sa videoke para kantahin ng duet yung "Grow Old with You". At siya yung topic naten ngayon, si RIGHT ONE. Sino nga ba siya? Kilala mo na ba? May mga tanong tayong sasagutin tungkol sa RIGHT ONE na to.

Para sa mga kino-consider kung anong sinasabi ng Bible tungkol dito, eto ang tatlong "W's" na sasagutin din ng tatlong "G-C's". :)

1. Q: "W"ho? - Sino nga ba ang Right One para sa atin?
    A: "G"enuine "C"hristian

         Do not be unequally yoked with unbelievers. For what partnership has righteousness with lawlessness? Or what fellowship has light with darkness?

                                                                                                                               2 Corinthians 6:14             
          Bilang mga Kristiyano, ito ang dapat nating unang tignan sa isang lifetime partner. At take note: GENUINE. Authentic, totoo, walang halong biro. Parang ganto lang, ikaw na seryoso sa buhay Kristiyano mo, papayag ka bang mabuhay kasama ang isang tao na kabaliktaran mo? Mahirap mabuhay kasama ang isang tao na iba ng priority kumpara sayo. Mahirap mabuhay kasama ang isang tao hindi si Kristo ang pinamumuhay.

2. Q: "W"hat? - Anong meron sa Right One na 'to?
    A: "G"odly "C"haracter

              Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. 

                                                                                                                               1 Corinthians 13:4-8

              Sa verse na ito, makikita naten ang sinasabi ng Bible na dapat maging characteristics ng magiging kapareha naten. Character ang mahalaga, hindi lang basta physical appearance. Aanhin mo ang kasing gwapo ni Daniel Padilla kung kapag magasawa na kayo e mala-Robin Padilla na siya kung sumuntok(sa mga pelikula nia :D) at marami ka ng kaagaw dahil hindi ka nagiisa(na asawa)? Tandaan, ang itsura, saglit lang yan, pero ang character, panghabang buhay.

3. Q: "W"hen? - Kelan nga ba darating si Right One?
    A: "G"od-timed "C"hance

           He said to them, “It is not for you to know times or seasons that the Father has fixed by his own authority.
                                                                                                                               Acts 1:7
               For everything there is a season, and a time for every matter under heaven.
                                                                                                                               Ecclesiastes 3:1

              Ang paghahanap ng partner, hindi minamadali. Natutunan ko rin to "the hard way". May mga bagay sa buhay naten na mahirap control-in, dahil hindi naman naten DAPAT control-in. Ang pagaasawa, hindi basta basta, tulad nga ng kasabihan, "hindi basta basta iluluwa pag napaso". Kaya kelan nga ba darating si Mr./Ms. Right? Dalawang tanong na dapat natin sagutin:

    1. Will na ba ni Lord? Pwede na ba?
    2. Ready ka na ba?
 
           Sabi sa itaas, may kanya kanyang season sa buhay naten na inihanda si Lord. May season tayo para 1.Mag-aral 2.Mag-trabaho 3.Mag-asawa. Itry naten guluhin yung sequence.

1.Magasawa 2.Magtrabaho 3.Magaral : Mahirap to, sayang pinagaralan mo, hinuli mo e.
1.Magaral 2.Magasawa 3.Magtrabaho : Mahirap lalo kung nauna ang binyag kesa graduation.
1.Magasawa 2.Magaral 3.Magtrabaho : Wag kang atat magkarelasyon, that's the point.

          Makikita naten na ung sequence ng season na inihahanda ni Lord para sa atin e yung the best. At alam naman naten na ang Diyos natin, hindi madamot. Ipagkakaloob niya parati yung BEST para sa atin. Ang kailangan lang naten magtiwala sa Kanya at sumunod sa Kanya. :D

          Mahirap hanapin ang RIGHT ONE para sa atin. Hindi natin kaya, imposible. Si Lord lang ang nakakaalam kung sino siya. Si Eba, ginawa na "suitable" partner para kay Adan. Hindi siya hinanap ni Adan, nakita ng Diyos yung PANGANGAILANGAN ni Adan para sa isang kapareha. Kelan? Nung nakita ng Diyos na sumusunod si Adan sa mga pinapagawa sa kanya. Wag natin hanapin ang Eba o Adan natin. Sumunod tayo sa pinapagawa sa atin ng Diyos at Siya ang bahala na magdala at magpakilala sa atin ng RIGHT ONE para sa atin, sa tamang oras at tamang pagkakataon. Sigurado, higit pa sa inaasahan natin yung tao na ipagkakaloob sa atin ng Diyos. :)

No comments:

Post a Comment