Bakit nga ba may mga Kristiyano na mabilis/mabagal mag grow sa spiritual life nila?
Mayroon akong ilang factors na naiconsider at also based on my own experience na din. Share lang. :)
1. Focus
Sa buhay, kelangan natin ng focus. Kung wala tayong focus, walang direksyon ang buhay naten. Lalo na sa Christian life naten. Eto ang isang ilustrasyon:Ituro mo pataas ang pointing finger mo, kalevel ng mata mo, then magfocus ka at titigan mo yung daliri mo. Mapapansin mo, pag nakatitig ka sa daliri mo, blurred na yung background. Ngayon, sa background ka tumingin tingin. Mapapansin mo, blurred yung daliri mo, minsan e parang duling pa.
Ganun din sa ating buhay Kristiyano. Yung daliri naten parang si Jesus, tapos yung background is yung mundo. Iisa lang ang pwede naten pagfocus-an. Pag nagfocus tayo kay Jesus, sa Kanya lang. Pag nagfocus tayo sa mundo, malamang sa malamang sa malabo na ang focus naten kay Jesus.
This is why we have to focus ONLY on Jesus. Isa pa, lahat ng tao nagkakamali, kahit ang mga PARENTS, LEADERS, TEACHERS, o PASTORS, sumasablay din. Kaya nga,Wag tayo magfocus sa kung ano anong bagay. Wag din tayong magpapadala sa nakikita naten sa tao, lalo na ang kanilang kamalian. Kaya nga, WE MUST ALWAYS KEEP OUR FOCUS ON JESUS.
2. Commitment
Ano nga ba ang commitment? Sabi ng dictionary, obligation or engagement. Sa ating buhay Kristiyano, may mga bagay na mahirap gawin sa umpisa, minsan naguumpisa pa na ginagawa naten parang obligation, pero kailangan natin ito o makakabuti sa ating paglago. Halimbawa,
A.) MAHIRAP umattend ng dawn watch o prayer meeting twing umaga kasi PUYAT, MASARAP MATULOG, ETC. ETC.
B.) MAHIRAP umattend ng services kasi MAGAGANDA ANG PALABAS SA TV, MARAMI AKONG ASSIGNMENT, MAGLALABA PA AKO, ETC. ETC.
C.) MAHIRAP magdevotion at magpray kasi MAS MASARAP MAGFACEBOOK, MAGLARO, MAGENJOY, ETC. ETC.
D.) All of the above, etc. etc.
Aminin naten, minsan sa buhay naten nagawa naten ung isa sa mga choices sa taas. Ang saklap pa kung letter D tayo diba. Pero dito nakikita ang ating commitment, to grow and mature in our relationship with God. Gagawin mo kahit mahirap, hindi pabor sayo, hindi ka masaya sa oras na yon, alanganin ka, etc. etc. Tandaan natin: FULFILLING OUR COMMITMENTS TO GOD BRINGS FRUITS, WHICH NOURISHES US SPIRITUALLY.
3. Faithfulness
Sapat na ba ang Focus at Commitment? Parang hindi, idagdag naten ang faithfulness. Ano nga ba to? Bakit naten kelangan to bilang mga Kristiyano?
Faithfulness is consistency. Nabasa ko rin, faithfulness is the ultimate hard thing to do. Tama nga naman, agreeng agree ako. Napakahirap maging consistent, lalo na't nandito pa tayo sa mundo. Ang daming tukso, ang daming kasalanan na tinatawag tayo para maging unfaithful. Pero WE NEED TO PURSUE FAITHFULNESS.
Faithfulness is consistency. Nabasa ko rin, faithfulness is the ultimate hard thing to do. Tama nga naman, agreeng agree ako. Napakahirap maging consistent, lalo na't nandito pa tayo sa mundo. Ang daming tukso, ang daming kasalanan na tinatawag tayo para maging unfaithful. Pero WE NEED TO PURSUE FAITHFULNESS.
FAITHFULNESS IS NOT ALWAYS BEING RIGHT WITH GOD, IT IS BEING WILLING TO GET RIGHT WITH GOD AND CONTINUE WALKING WITH GOD.
Madalas, pag nagkukulang, bumabagsak, nagkakasala tayo, the enemy condemns us. But is this what God thinks of us? Pagka ba nagkakasala o nagkukulang tayo, ayaw na sa'tin ni Lord, kasi makasalanan tayo, madumi tayo, paulit ulit nalang tayo? Eeeengk. Hindi. tandaan natin, "While we were still sinners, Christ died for us." (Rom.5:8) Kung nung makasalanan tayo ng sobra sobra e mahal na tayo ng Diyos, ano ba naman sa kanya yung minsan tayong nadadapa, nagkakamali, nagkakasala? Papatawarin niya tayo kung tayo ay tunay na humihingi ng kapatawaran at nagdedesisyon na tumalikod sa mga kasalanan natin. Sure yon. God is faithful to us, and this is our reason why we have to be faithful to Him. Warning: God cannot be mocked, so we must really live faithfully, hindi tayo pwedeng paloko loko. Ang Kristiyano, napupunta sa Langit. Ang Kristiya-kristiyanuhan, napupunta sa Langit-langitan. :)
Get FOCUSED. Decide to be COMMITTED. Live FAITHFULLY.
Until next time. God bless you. :)
Until next time. God bless you. :)
No comments:
Post a Comment