Tuesday, December 25, 2012

Merry CHRISTmas! Let's be WISE!

Dahil Pasko ngayon, ilalagay ko dito ang message saken ni God this Christmas at isheshare ko sayo yun ngayon! :D

Tungkol ito sa mga bisita ni Jesus nung Siya ay pinanganak sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sigurado ako may idea ka na sa kanila, pero may dalawa akong tanong para masure mo kung tama ka. Answer honestly ayon sa iyong pagkakaalam. :) GAME!

1. Sino ang mga bisita ni Jesus na nagpunta sa Kanya sa pamamagitan ng TALA?
a.) Kings       b.) Kamaganak Niya      c.) Wise Men     d.) Shepherds

2. Ilan silang pumunta sa Kanya?
a.) One         b.) Three         c.) Too many to mention       d.) Unknown

Kung ibabase naten sa kantang "Ang Pasko Ay Sumapit" na nagtop3 sa myx daily top 10 this week, ang sagot naten ay 1. a.) Kings at 2. b.) Three, dahil "May TATLONG HARING nagsidalaw". Pero ito nga ba ang katotohanan?


Matthew 2:1-2 (NIV)

The Magi Visit the Messiah

After Jesus was born in Bethlehem in Judea, during the time of King Herod, Magi from the east came to Jerusalem and asked, “Where is the one who has been born king of the Jews? We saw his star when it rose and have come to worship him.”


Sabi dito sa verses na ito, Magi, or Wise Men ang bisita ni Jesus non at hindi Kings. Muntik lang may bumisita na King (Herod), pero di siya natuloy kasi nga wais ung wise men. At tungkol naman kung ilan sila, ang tamang sagot ay unknown, dahil hindi nakasaad sa Bible kung ilan sila, may mga nagsabi lang na 3 sila dahil tatlo ang regalo na dala nila. Di lang sila wise, boy scout pa sila, ready sa exchange gift. :)

Now we know! :) Tama na ang trivia. Ano naman ang matututunan naten sa kanila? Meron akong 3 things na natutunan sa kanila.

1.) They were eager to meet and know the Messiah. (Matt.2:1-2)
                Gaano tayo ka-eager na mameet ang Star ng Pasko? Sa tuwing Pasko, naaalala ba naten imeet at kilalanin pang lalo si Jesus, o nasisilaw na tayo ng mundo? Busy na ba tayo sa Pamamasko, exchange gifts, parol, Christmas lights, San Mig Lights, at Emperador Lights? Eto ang pinakamahalagang pinakita ng mga Wise Men saken, ang eagerness nila na magkaroon ng RELATIONSHIP sa kanilang Manliligtas.

2.) They were overjoyed. (Matt.2:10)
                Naging normal nalang ba saten ang Season na ito? Ang Pasko ba ay naituturing na rin naten as Lilipas-din-yan days, katulad ng ibang araw ng ating buhay? Tandaan, kung hindi ipinanganak si Jesus dito sa mundo, wala ring Jesus na namatay para sa mga kasalanan naten at para tayo ay mailigtas. Tulad ng mga wise men na nagkaroon ng HOPE, nawa ay icelebrate naten ang Pasko cheerfully, lively, and with rejoicing - ito ang kahulugan ng pagiging merry. Merry Christmas!

3.) They brought gifts. (Matt.2::11)
                Bakit nga ba nagdala ng regalo ang mga Wise Men? Sila ba ang nagpauso ng pagreregalo pag birthday? Hindi ba pwedeng "Presence ko nalang ok na, kahit walang presents"? Ang natutunan ko sa kanila, meron silang sense of THANKSGIVING. Pwede naman wala silang dala e diba? Pero dahil nagpapasalamat sila sa pagdating ni Jesus, pinakita nila ito by giving. Hindi sapat sa kanila ang THANKS, GIVING is important for them para maexpress ito. Ikaw? Anong ipinagpasalamat mo kay Jesus ngayong Pasko? Nakapagbigay ka ba sa iba ng may pagpapasalamat sa iyong puso? :D

Ang daming tao ngayon ang busy sa gala, celebrations, reunions, etc. etc. pero naalala nga kaya nila ang tunay na diwa ng Pasko? Nawa bago matapos ang Paskong ito, kung hindi pa naten naalala ang tunay na reason ng Pasko, hindi pa huli ang lahat. Let's be wise and learn from the wise men.

HAVE HOPE. GIVE THANKS. BE IN A RELATIONSHIP WITH HIM.


Merry Christmas everyone! :)


No comments:

Post a Comment