Monday, February 6, 2012

Love , Love, Love Month :D

February na. 2nd month na nitong blog ko! :D Congrats saken! haha. :D

Nakakatuwa pag dumadating ang February. Excited ang karamihan dahil sa pinakaaabangan na date, ang Feb. 14, also known as Valentine's Day. Ano nga bang kakaiba sa date na ito? Konting history muna, galing sa link na ito. :)

The Catholic Church recognizes at least three different saints named Valentine or Valentinus, all of whom were martyred. One legend contends that Valentine was a priest who served during the third century in Rome. When Emperor Claudius II decided that single men made better soldiers than those with wives and families, he outlawed marriage for young men. Valentine, realizing the injustice of the decree, defied Claudius and continued to perform marriages for young lovers in secret. When Valentine's actions were discovered, Claudius ordered that he be put to death.


Hindi ka siguro tao kung hindi mo alam kung anong meron pag Valentine's day. Eto yung araw na naaalala mo na single ka pala. Yung araw na makikita mo ang kalsada na punong puno ng lovers. Ke sinecelebrate mo man o hindi ang araw na ito, siguro naman ay mararamdaman mo yung sinasabi nilang "Love is in the air" twing araw ng Valentines. Personally, nung high school ako ay sinecelebrate ko din tong araw na to. May pabigay bigay pa ko ng flowers at chocolate sa aking special someone. :"> hahahaha. Memories. O tama na. Basta ang alam ko, masaya tong araw na to, dahil lahat ay nakakaalala na magmahalan.

Naisip ko tuloy, sana araw araw ang turingan ng mga tao, ke lovers o hindi, katulad ng turingan twing Valentine's day. Yung nagpapakita ng pagmamahal sa isa't isa. Hindi yung nagiisip ng masama sa kapwa. Parang Pasko, sana araw araw Pasko, sana araw araw Valentine's.

Pero ngayong Valentine's day, gusto ko maiba. Ilang taon na akong walang ginagawa tuwing Valentine's day, kasi SINGLE ako. E ano naman diba? Balak ko gawing special ang Valentine's ko ngayon. Hindi ko alam kung ano gagawin ko, basta, I'll spend my time with the most precious One para saken. Siya yung lagi kong kasama pag Valentine's day. Actually lage. Siya yung first Love ko, and walang papalit sa Kanya. :)

Kilala mo siya. He is the author of Love. He is Love. He is God. :)

God is Love. Sana this love month, maalala ng lahat yun. Na kung ano man sinecelebrate twing February, icelebrate din kung sino yung pinanggalingan nito. And sana malaman ng lahat kung ano yung tunay na Love. Love na nanggagaling siyempre sa ultimate source ng love.

Happy Love month! :)

Love God, love other people. :D

No comments:

Post a Comment