Thursday, January 5, 2012

Do-Hard-Thing opportunity, P100, at Twister Fully Loaded. :D

Gusto ko pala ishare yung nangyari sa akin kanina (Jan.4) sa MRT, papasok akong OJT. Last year, twice ako nadukutan, wallet nung nasa school ako (FEU) at cell phone nung nasa MRT ako. Kanina sa MRT, may kasabay akong girl na nadukutan. Medyo malayo siya saken pero narinig ko yung panghihinayang niya sa nawala sa kanya, although di ko narinig ng malinaw kung ano yung nadukot. Napangiti ako dahil naalala ko na ganun din ako nung nadukutan ng phone, pero at the same time nalungkot din ako para sa kanya. Bumaba ako sa Boni Ave., at nagulat ako nung bumaba din siya kasunod ko lang. Dito na pumasok sa isip ko na tulungan ko siya, kahit sa maliit na paraan lang. Nahihiya man ako, nilapitan ko siya, at lalo akong naawa dahil umiiyak na siya, at hindi lang basta lumuluha kundi talagang iyak na iyak. Ang nadukot pala sa kanya e wallet at cp niya, at nasa wallet niya lahat ng pera, atm, credit cards, ids, at iba pang importanteng card niya. Dun na nangusap si God. Eto ang conversation namen, totoo ito, walang halong imbento.

God: "Bigyan mo ng pera. P100."
Ako: "Lord, P100? Baka P50 lang okay na sa kanya, pamasahe lang. Wala pa po akong dumadating na allowance. :| "
God: "Wala kang barya, P100 na ang pinakamaliit mong bill."
Ako: (Naalala na wala nga talagang barya) "Galing mo Lord. Wala nga ko maliit na bill kahit bente. Sige po. Do-hard-thing opportunity to."

At binigyan ko nga si ate ng P100. Syempre ang reaksyon niya: "Barya lang kuya!". Ako naman, "Sige po ate, ok lang. :)" Hiningi niya pa ang number ko, siguro may balak pa ibalik yung pera pero dahil nataranta ako with matching hiya sabi ko ay wag na lang. At ibang tuwa yung naramdaman ko dahil nakapagbless ako ng ibang tao, at siguradong naplease ko si God.

Pagtapos nito, hindi naman nagpabaya si God. Yung P100 na ibinigay ko, pinalitan ni God ng libreng lunch na Twister Fully Loaded Meal (large pa yung ice tea :D) at dumating na din yung allowance ko kinagabihan. Galing ni Lord noh? Ako din naaamaze e.

Kaya pag may opportunity, go lang. Si God naman ang bahala saten e. Basta do all things for His glory, tiyak na napasaya mo na Siya, papasayahin ka pa Niya. :D

No comments:

Post a Comment